Dalawang manlalaro ng NBA nagpositibo sa COVID-19

Dalawang manlalaro ng NBA nagpositibo sa COVID-19

Dalawang manlalaro ng NBA ang nagpositibo sa COVID-19 virus mula sa 465 na manlalaro na isinailalim sa test simula noong March 3.

Dahil sa contact tracing issue, hindi nakapaglaro sila Philadelphia 76ers starts na sina Joel Embiid ng Cameroon at Ben Simmons ng Australia sa NBA All-Star game sa Atlanta.

Ayon sa ilang reports, ang dalawang manlalaro ng NBA na parehas na naging contact persons sina Ben Simmons at Joel Embiid sa isang Philadelphia barber na nagpositibo sa COVID-19.

Parehong hindi makakasama sila Embiid at Simmons sa pagbabalik ng 76ers mula sa All-Star break sa Chicago.

Ben Simmons at Joel Embiid
Ben Simmons at Joel Embiid

Kung maging negatibo na ang resulta ng mga test nito sa virus, babalik si Embiid sa Biyernes kapag binisita ng 76ers ang Washington at si Simmons naman ay magbabalik sa Linggo kapag nakipaglaro ang sixers sa San Antonio.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *