Dalawang kaso ng Delta variant, naitala sa Davao Region

Dalawang kaso ng Delta variant, naitala sa Davao Region

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH)-Davao Region na nakapagtala na ang rehiyon ng dalawang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon sa ahensya naitala ang kaso ng Delta variant sa Davao City at Tagum City kung saan kapwa nakarekober na umano ang dalawa pero ibinalik sa isolation para muling isailalim sa RT-PCR tests.

Una nang nagpadala ng 185 samples ang regional epidemiology and surveillance unit sa University of the Philippines, Genome Center noong Hulyo 1 kung saan sa nasabing bilang 79 na samples ang may nakitang variant of concerns kabilang na ang 2 Delta variant, 27 ang Alpha variant at 50 ang Beta variant.

Dahil dito, nagsasagawa na ng contact tracing at isinailalim sa RT-PCR test ang mga close contacts nito mula F1 hanggang F3

Kaugnay nito muling hinikayat ang mga Dabawenyo na magpabakuna na laban sa COVID-19 para sa dagdag na proteksyon at panatilihin ang standard health protocol upang maiwasang mahawa ng virus.

Mahigit 6-M Filipinos, fully vaccinated na kontra COVID-19

Samantala, pumalo na sa mahigit 6-M Filipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Batay sa updates ng Department of Health, nasa 17.20 milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa hanggang Hulyo 25.

Sa nasabing bilang, mahigit 11.11 milyong doses ang itinurok bilang first dose at mahigit 6.08 milyong doses ang itinurok bilang second dose.

Sa bilang ng mga fully vaccinated, higit 1.39 milyon dito ay medical frontliners; higit 1.6 milyon ay senior citizens; higit 2 milyon ay person with comorbidities; higit 812,000 naman ay economic frontliners at higit 229,000 ay kabilang sa indigent population.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *