patay
Regional

Dalawang hinihinalang miyembro ng NPA, patay matapos makaengkwentro ang tropa ng militar sa Agusan Del Norte

PATAY ang dalawang rebelde na hinihinalang miyembro ng New People’s Army matapos nitong makasagupaan ang tropa ng pamahalaan sa Butuan City, Agusan Del Norte.

Sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebelde sa Sitio Salvacion, Barangay Bugado ng nasabing probinsya na tumagal ng sampung minuto.

Ayon kay Maurico Licudine, Commander ng 402nd Infantry Brigade ng Philippine Army, nakuha ng mga rebelde ang katawan ng isa sa mga napaslang.

Dinala naman nila sa opisyal ng nasabing barangay ang isa pang bangkay ng hinihinalang rebelde upang ilibing.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang tig-dalawang Ak-45 at M652 na pawang gamit na baril ng mga napaslang.

Wala namang nasawi sa tropa ng militar matapos ang naganap na engkwentro.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *