shooting incident
International

Dalawang high school student, patay sa panibagong shooting incident sa California

PATAY ang dalawang estudyante sa Saugus high school sa California dahil sa insidente ng pamamaril.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff Alex Villanueva, kabilang sa mga nasawi ang isang 16 na taong gulang na babae at labing apat na taong gulang na lalaki.

Maliban dito, tatlong iba pang ang kasalukuyang minomonitor ang lagay sa isang pagamutan.

Suspek sa naturang pamamaril ang kapwa nila mag-aaral na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon matapos baralin ang sarili matapos ang pamamaril.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng dahilan ng pamamaril ng suspek.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *