ng Pagasa
National

Dalawa pang sama ng panahon, patuloy na binabantayan ng Pagasa

TULUYAN nang nakalabas ng bansa ang Bagyong Dodong ayon ng Pagasa.

Alas-9:30 kagabi ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibility o PAR si Dodong.

Patuloy namang makakaranas ng malakas at kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dulot ng Southwest Monsoon.

Kabilang dito ang Metro Manila, Zambales, Pampanga, Bataan, Bulacan, Calabarzon, MIMAROPA at Western Visayas.

Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) ang posibleng pumasok sa bansa sa Sabado.

Huling namataan ang LPA sa 435 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Habang ang pangalawang LPA ay nananatili pa sa labas ng PAR o sa silangan ng Mindanao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *