lindol sa North Cotabato
Regional

Dalawa katao, nasawi sa magnitude 6.3 na lindol tumama sa North Cotabato

DALAWA ang kumpirmadong nasawi habang 27 ang nasugatan sa magnitude 6.3 na lindol na tumama sa North Cotabato kagabi.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang dalawang nasawi ay nagmula sa Magsaysay, Davao del Sur.

Nasa 18 naman ang naitalang nasugatan sa nasabing bayan na dinala sa Digos City Provincial Hospital habang siyam ang injured sa Cotabato kung saan 3 sa Kidapawan City at 6 sa Bayan ng Makilala.

Batay din sa tala ng NDDRMC, kabuuang 29 imprastraktura sa Region 11 at 12 ang napaulat na nagtamo ng pinsala kabilang ang ilang mga mall, hospital, paaralan, municipal hall, fire station at mga bahay.

Nakaranas naman aniya ng power outage matapos ng pagyanig ang apat na lugar sa Region 12, kabilang dito ang General Santos City, Koronadal City, Luntayan Sultan Kudarat at Kidapawan, Cotabato.

Habang kabuuang 22 lugar sa Region 12 pa rin ang nagdeklara ng suspensyon ng klase at trabaho ngayong araw.

Samantala, ayon sa Phivolcs ay pumalo na sa 251 ang naramdamang aftershocks hanggang kaninang alas 7 ng umaga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *