Daily COVID deaths sa Amerika lampas ng 4,000 sa dalawang magkasunod na araw

Daily COVID deaths sa Amerika lampas ng 4,000 sa dalawang magkasunod na araw

NAITALANG umabot sa 4,022 ang nasawi sa Amerika ayon sa The COVID Tracking Project nitong Miyerkules, Enero 13 (oras ng Amerika).

Ito na ang pangalawang magkasunod na araw na lampas sa 4,000 ang daily death toll ng bansa at pangatlo simula noong Enero 7.

Naitala rin sa Amerika ang 219,090 na mga bagong kaso ng COVID-19 kungsaan kasalukuyang ginagamot dito ang 130,383 katao dahil sa nasabing virus.

Sa ngayon nasa mahigit 23 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Amerika at nasa mahigit sa 384,000 dito ang nasawi.

Samantala, lampas sa 92 milyon na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa mundo na may mahigit 1.9 milyon o halos 2 milyon ang nasawi.

Disneyland bilang mass vaccination site, bukas na

Bukas na ang Disneyland Resort sa Anaheim, California para sa mass COVID-19 vaccination.

Inaasahang nasa 3,000 katao ang makatatanggap ng bakuna sa unang araw ng pagbubukas ng naturang vaccination site.

Ayon naman sa Orange County First District Chairman Andrew Do, kayang mabakunahan ang 7,000 katao kada araw sa nasabing site.

By appointment aniya ang vaccinations at hindi tatanggapin ang walang appointment at tamang identification.

Kaagad namang umabot sa 10,000 katao ang nagparehistro online sa unang dalawang oras ng pagbubukas ng online registration.

Kabilang din sa vaccination site ang Dodger Stadium sa Los Angeles, Cal Expo sa Sacramento, at Petco Park sa San Diego na una nang nagbukas sa mga unang araw ng linggong ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *