Dagdag-sahod ng mga nurse sa Makati, inaprubahan na

Dagdag-sahod ng mga nurse sa Makati, inaprubahan na

TINAASAN ng lokal na pamahalaan ng Makati ang basic salaries ng kanilang mga nurse.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, inaprubahan ng city council ang dagdag na pondong P55.17 milyon para sa dagdag na suweldo ng mga entry level nurse.

Mula sa Salary Grade 11 o P22, 316 na sahod ng mga nurse sa Ospital ng Makati, makatatanggap na ito ng salary Grade 15 o P32,053 sahod kada buwan.

Ani Binay, ito ay isang well-deserved reward para sa mga nurse na nagtatrabaho nilang mga frontliners laban sa coronavirus pandemic.

Dagdag ni Binay, isa rin itong paraan upang kilalanin ang kanilang tiyaga at mga sakripisyo sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Umaasa naman ang alkalde na dahil sa pay hike ay mas maraming nurse ang ganahang manatili sa bansa at paglingkuran ang publiko.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *