Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo
Business

Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

KUNG may bawas-presyo sa LPG at Auto LPG ngayong araw, asahan naman bukas Hulyo 2 ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo gaya ng diesel, gasoline at kerosene.

Sa abiso ng kumpanyang Petro Gazz at Shell, tataas ng P1.20 ang kada litro ng gasoline habang P0.95 naman sa kada litro diesel.

May piso ring dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene ang kumpanyang Shell.

Epektibo naman ang naturang oil price hike bukas ng alas-sais ng umaga.

Ang naturang dagdag-presyo ay bunsod naman ng pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Sa ngayon ito na ang ikatlong linggo na nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *