Dagdag pasahe inihihirit ng mga tsuper, dahil sa pagtaas ng bilihin

Dagdag pasahe inihihirit ng mga tsuper, dahil sa pagtaas ng bilihin

DAHIL sa pagtaas ng bilihin inihihirit ngayon ng mga jeepney operator at driver ang dagdag pasahe.

Nais ng mga ito na dagdagan ng tatlong peso ang minimum fare.

Ayon sa Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), ang arawang kita ng jeepney drivers ang naaapektuhan sa patuloy na pagtaas ng petrolyo.

Gayunpaman, sinabi ng mga grupo na bukas sila sa pagpapanatili ng pamasahe kung ang presyo ay ibalik o ang gobyerno ay magbigay ng mga subsidy sa gasolina.

Bigtime na oil price hike, nakaamba ngayong Linggo

Nakaamba nanaman sa mga motorista ang panibagong bigtime oil price hike ngayong Linggo.

Batay sa estimated na presyo, tataas sa P1.30 hanggang P1.40 ang kada litro ng gasolina.

Habang P1.40 hanggang P1.50 ang kada litro ng diesel at kerosene.

Ang nasabing pagtaas ng presyo ay ang ikapitong sunod na linggo na simula ng naganunsiyo ito noong nakaraang buwan.

Samantala, sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE) nitong Oktubre 5, mula ng nagpatupad ng price adjustment ngayong taon, ang kabuuang itinaas ng gasolina ay umaabot ng P16.55 bawat litro, P15.00 bawat litro para sa diesel, at P12.74 bawat litro ng kerosene.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *