Dagdag benepisyo sa mga guro para sa 2022 Election, posibleng talakayin

Dagdag benepisyo sa mga guro para sa 2022 Election, posibleng talakayin

NAKAHANDA ang Commision on Election (COMELEC) na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd), kaugnay sa kahilingang dagdag-bayad at benepisyo para sa mga guro na magsisilbi sa 2022 Election.

Ayon kay Comelec Director at Spokesperson James Jimenez, batay sa liham ni DepEd Secretary Leonor Briones kay Comelec Chairman Sheriff Abas na ang COVID-19 pandemic ang dahilan kaya hiniling na dagdagan ang bayad at benepisyo sa mga teaching and non-teaching personnel.

Sa proposal ng DepEd ay inirekomenda ang siyam na libong pisong honoraria para sa chairperson ng electoral boards habang walong libong piso naman sa mga miyembro ng board, habang ang DepEd supervisor official naman ay pitong libong piso, at limang libong piso naman para sa support staff.

Kasama rin dito sa dagdag benepisyo ang limang daang pisong hazard pay kada araw at isang libong pisong allowance para sa pagkain at tubig at dalawang libong piso para sa transportasyon.

Sakali namang may pandemya pa rin sa panahon ng eleksyon ay umapela rin ang DepEd ng onsite swab testing at iba pang mga health services.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *