produktong petrolyo
Business

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatupad

NAGPATUPAD ng dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, P0.80 kada litro ang dagdag-presyo ng gasolina habang may bawas naman na P0.15 sa kada litro ng diesel, at P0.25 naman ang ibababa sa presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang price adjustment simula 6:00 ngayong umaga.

Una namang nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ang lahat ng Cleanfuel stations nitong Linggo ng hapon kung saan P0.80 ang dagdag-presyo sa kanilang gasolina habang P0.30 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Ang naturang paggalaw ng presyo ng langis ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *