Metro

Daan-daang Grab Drivers at Riders sumailalim ng swab test sa Quezon City

WoodProfit

SUMAILALIM sa libreng swab test ang nasa mahigit isandaang  Grab drivers at riders sa Quezon City Memorial Circle sa Lungsod ng Quezon.

 

Bukod sa nasabing bilang, balak din ng pamahalaan na isailalim sa swab test ang lahat ng driver at rider nito hanggang sa susunod na pagsasagawa ng programa, itoy sa pakikipagtulungan ng Grab Philippines at sa namumuno ng National Policy Against COVID-19.

 

Layunin ng nasabing programa na matiyak na ligtas sa COVID-19 ang lahat ng mga benepisyaryo nito na aktibong bumibiyahe, nagsasakay at naghahatid ng serbisyo sa mga kustomer.

samantala, sinabi rin ng president ng Grabbers United of the Philippines (GUP) na si Rose Durado na mahalaga din para sa kanila na nabigyan sila ng libreng test para sa kanilang mga miyembro upang matiyak na walang sinuman ang nahawaan ng sakit na COVID-19.

 

Bukas ang programa hanggang mamayang hapon at bukod sa mga miyembro ng Grab, binuksan din ang libreng swab test sa iba pang kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

 

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close