Cynthia Villar, hinimok ang pamahalaan na ipamahagi na ang Coco Levy Fund

Cynthia Villar, hinimok ang pamahalaan na ipamahagi na ang Coco Levy Fund

HINIMOK ni Senator Cynthia Villar ang pamahalaan na simulan nang ipatupad ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act kahit na hindi pa kumpleto ang listahan ng mga benepisyaryo nito kung saan nalalapit na ring magtapos ang deadline ng registration ng mga magsasaka sa Hunyo 11.

Ayon kay Senator Villar sa kalagitnaan ng hearing ng Senate Committee on Agriculture Status ng Coconut Farmers Registry, hindi dapat maglagay ng limitasyon sa registration dahil tuloy-tuloy naman aniya ito.

Dagdag ni Villar, dahil umabot na naman sa higit 50% ang registration ay dapat simulan nang ipamahagi ang Coco Levy Fund.

Sinabi ni Villar na sa ganitong paraan ay mas mahimok ang ibang benepisyaryo na magparehistro.

Ito ang naging pahayag ng senadora matapos makiusap si Senator Risa Hontiveros na palawigin ang deadline ng registration hanggang Setyembre 9.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *