Ombudsman
National

Customs officials, sinampahan ng patung-patong na kaso sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng patung-patong na reklamo sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Bureau of Customs o BOC.

Ang kaso ay isinampa ng corruption watchdog na transparency in public service na inasistehan ni Atty. Joseph Christian del Rosario.

Kasong usurpation, graft at paglabag sa panuntunan ng Civil Service Commission ang inihain ng grupo laban kina Customs Chief Rey Guerrero, chief of staff nito na si Teodoro Jumamil, Acting Deputy Commissioners Raniel Ty Ramirro at Donato San Juan, at Risk Management Office Chief George Patrick Avila.

Ayon kay Del Rosario, kwestyonable ang maagang pagsisimula sa tungkulin ng mga opisyal noong Nobyembre 2018, matapos mabatid na nitong Mayo lang lumabas ang appointment papers ng mga ito.

Iginiit ng grupo na iligal ang pagtatalaga sa nasabing mga Customs officials.

Hinimok ng grupo ang Ombudsman na patawan ng preventive suspension ang mga opisyal, at i-akyat ang mga reklamo sa Sandiganbayan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *