National

Customs broker na tumukoy sa may-ari umano ng shabu shipment mula China, inaasahang may mga ibubunyag pa

Umaasa si Senador Richard Gordon na magsasalita pa si Mark Taguba, ang customs broker na binigyan ng protective custody ng Senado matapos nitong ituro kung sino ang nasa likod ng bilyung-bilyong shabu shipment mula China.
Isang Richard Tan o ‘Chen’ ANG itinuro ni Taguba na siyang may-ari umano ng nasabing kargamento.
Sabi ni Gordon, gusto niyang malaman kung sino sa Bureau of Customs (BOC) ang nagbibigay ng proteksyon sa mga ganitong klaseng kargamento.
Ipinunto rin ni Gordon ang litrato nina Tan at Customs Commissioner Nicanor Faeldon at Customs Spokesperson Neil Estrella na ipinakita sa pagdinig ng Senado kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *