Leonardo Guerrero
National

Custom Chief Leonardo Guerrero, aminadong may Tara system pa rin sa BOC

AMINADO si Custom Chief Leonardo Guerrero na hindi pa tuluyang nawawala ang Tara system sa Bureau of Customs (BOC).

Kinumpirma ni Guerrero na may mga naririnig, nahuhuli at may nagrereklamo na may “Tara” system pa rin sa Customs o ang panunuhol ng mga smuggler sa mga Customs brokers at opisyal para makapasok ang mga iligal na shipment.

Ibinunyag din ni Guerrero na nasa 119 na kawani ng Customs ang kinasuhan nila sa Ombudsman na sangkot sa korupsyon at hindi rin aniya malayong madagdagan pa ito.

Ayon sa Customs chief, kasama sa nasabing bilang ang 52 na pinatawag noon sa Malacañang kung saan walo na dito ang nahatulan ng Ombudsman.

Kinumpirma rin ni Guerrero na nakuha na nila ang kopya ng kautusan ng Ombudsman kaugnay sa dismissal ng nasa 7 Customs personnel at suspensyon ng isa pang tauhan.

Aniya, ipapatupad ng BOC ang utos ng Ombudsman.

Samantala, tumanggi naman si Guerrero na i-rate ang performance ng BOC laban sa korupsyon pero tiniyak nito ang kanilang pagsisikap na mapabuti ang integridad ng kanilang mga empleyado at opisyal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *