Curry at Durant, nanguna sa 1st result ng fan voting para sa NBA All-Star Game

Curry at Durant, nanguna sa 1st result ng fan voting para sa NBA All-Star Game

NANGUNA si Golden State Warriors guard Stephen Curry at Brooklyn Nets forward Kevin Durant sa unang resulta ng fan voting para sa NBA All-Star Game.

Nakakuha ng 2,584,623 votes sa Western conference guards ang two-time NBA most valuable player at three-time NBA champion na si Curry.

Samantala ang 2014 NBA MVP at dalawang beses na NBA champion na si Durant ay nakakuha ng 2,360,435 votes sa Eastern conference frontcourt.

Nakatakda naman ganapin ang 71st NBA All-Star Game ay sa ika-20 ng Pebrero sa Cleveland.

Kaugnay nito, ang weighted o fan voting na magde-desisyon ng All-Star starters ay mula sa 50% na boto mula ng fans at 25% naman mula sa players at media panel.

Ang team captains ay ang mga manlalaro na nanguna sa boto sa conference.

Bukod pa rito, ang Los Angeles Lakers star na si Lebron James na four-time MVP at four-time league champion ang nakakuha ng 2,018,725 votes sa Western conference frontcourt.

Nakakuha rin ng 1,487,598 votes si Demar Derozan ng Chicago.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *