Curfew hour, ipatutupad na rin sa Lapu-Lapu City

Curfew hour, ipatutupad na rin sa Lapu-Lapu City

MAGPATUTUPAD na rin ng curfew hour  ngayong araw ang lungsod ng Lapu-Lapu  simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Sa ipinalabas na Executive Order ni Lapu-Lapu City Mayor Jonard “Ahong” Chan nakasaad na bawal na ang pagala-gala sa  mga residente ng  lungsod sa nasabing oras.

Sa ilalim ng curfew hour, bawal na ang pag-iinom sa mga pampublikong lugar gaya ng convenience stores.

Inatasan na rin ang mga business establishments, gaya ng mall, internet café, casino at kamerkaduhan na magsara ng kanilang negosyo alas -8 ng gabi.

Ipinag-utos din ng mayor sa lahat ng may-ari ng hotel, pension house at resort na isailalim sa 14-day quarantine ang mga dayuhan at sisiguraduhin na hindi makakalabas ng kanilang kwarto.

Simula naman bukas, Marso 17, ipinagbawal na rin ang pagpasok sa lungsod ng mga domestic passengers sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa loob ng 30 araw.

Samamtala, Marso -18 kinakailangan din na isailalim sa 14-day quarantine ang lahat ng international passengers.

Ang nasabing hakbang ay upang maiwasan ang pagpasok ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

BRAYAN CAPUNONG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *