Crown Prince Fumihito, pormal nang idineklara bilang first in line sa trono

Crown Prince Fumihito, pormal nang idineklara bilang first in line sa trono

PORMAL nang idineklara bilang first in line sa trono si Crown Prince Fumihito matapos ang pitong buwang pagkakaantala sa seremonya dahil sa pandemya.

Ang ritwal na Rikkoshi No Rei ay isinagawa kasunod ng pagkakatalaga ng nakakatandang kapatid nito sa trono na si Emperor Naruhito noong Mayo ng nakaraang taon.

Ipinroklama ni Emperor Naruhito ang kanyang kapatid na si Crown Prince Fumihito sa mga mamamayan ng Japan at iba pa sa Rikkoshi Senmei No Gi Ceremony na ginanap sa stateroom ng Imperial Palace.

Sa seremonya ay dinaluhan ang crown prince ng kanyang asawa na si Crown Princess Kiko na suot ang isang tradisyonal na Kimono at Hakama Skirt.

Mga miyembro ng Imperial Family at apatnaput anim na iba pang bisita ang dumalo sa seremonya habang sinisiguro namang nakakasunod ang mga ito sa hakbang laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *