COVID-19 vacine Covaxin na gawa ng India, nag-apply na ng EUA sa FDA

COVID-19 vacine Covaxin na gawa ng India, nag-apply na ng EUA sa FDA

NAG-apply na ang India-based Bharat Biotech para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine na Covaxin.

Kinumpirma ito ng Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, ngayong araw nagsumite ng aplikasyon ang kumpanya at kasalukuyang nagpapatuloy ang pre-evaluation dito.

Ang Covaxin na ang ikaapat na brand na humihingi ng aprubal para sa distribusyon ng kanilang bakuna sa bansa.

Ang iba pang kumpanya na humihingi ng EUA approval ay ang British firm AstraZeneca, Russian company Gamaleya Research Institute at Chinese drug maker Sinovac Biotech.

Sa ngayon, tanging ang Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine pa lamang ang inaprubahan para sa emergency use.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *