COVID-19 vaccination program sa Marikina City, aarangkada na bukas

COVID-19 vaccination program sa Marikina City, aarangkada na bukas

AARANGKADA na bukas ang COVID-19 vaccination program sa Marikina City.

Ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, nasa 1,500 healthcare workers ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang nakatakdang tumanggap ng unang COVID-19 vaccines.

Habang nasa 55 prioritized recipients aniya ng bakuna ang nagback-out.

Sinabi ni Mayor Teodoro na nirerespeto nila ang desisyon ng mga healthcare workers na tumangging magpaturok ng bakuna o mas nais ang ibang brand ng bakuna.

Dagdag pa ng alkalde, nakatanggap siya ng report na ilang doktor sa Metro Manila ang tinatakot na kunin ang available vaccine o kung hindi ay sila ang magiging huli sa priority list para sa inoculation rollout.

Binigyan-diin ni Mayor Teodoro na dapat bigyan pagkakataon ang mga ito na makatanggap ng bakuna kapag dumating na sa bansa ang preferred brand ng vaccines ng mga ito.

Samantala, sa Marikina City naman ang paglalagyan ng unang batch ng 600,000 dosis ng Sinovac vaccine mula sa China na pinangunahan mismo ni Mayor Teodoro ang pag- inspeksyon nito sa loob ng Metropac Movers Inc. cold chain facility na isang pribadong kompanya ang inatasan para sa transport at storage ng bakuna.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *