COVID-19 supplemental budget, tatalakayin sa isang special session ng Kongreso

COVID-19 supplemental budget, tatalakayin sa isang special session ng Kongreso

NAKATAKDANG talakayin sa isang special session ng Kongreso ang paggamit ng supplemental budget para sa mga apektado ng enhanced communitty quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Sonshine Radio kay Senator Sherwin Gatchalian, nilinaw nito na ang naturang budget ay aprubado na ngunit kailangan lamang ng pahintulot ng kongreso para ito ay gumalaw.

Gagamitin naman ang supplemental budget para madagdagan ang pondo sa social services.

“Ngayon, dahil gusto ho natin madagdagan po ang pondo, lalo na sa pagtulong ng ating mga kababayan – mabigyan po ng tulong yung mga nawalan ng trabaho, mabigyan ho ng pagkain yung mga nangangailangan, importante po na ma-realign o madagdagan po yung budget ng social services.”

Ang tinig ni Sen. Sherwin Gatchalian Kaya naman hinihintay na lamang ani Gatchalian ang mga dokumentong manggagaling sa executive department nang sa gayon ay mapag-aralan na nila ito.

Aniya, dapat maging mabilis lamang ang maging session dahil iniiwasan pa rin nila ang close interaction bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Dagdag pa ni Gatchalian ay nakahanda naman ang senado anumang oras na magpatawag ng sesyon ang palasyo.

Matatandaang, kahapon nang iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III sa Palasyo ang magkaroon ng special session ang kongreso para pag-usapan ang paggamit sa supplemental budget ngunit wala pang pinal na desisyon dito ang Malacañang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *