COVID-19 positive cases sa Maynila, pumalo na sa 8,110

COVID-19 positive cases sa Maynila, pumalo na sa 8,110

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa Manila Emergency Operation Center COVID-19 monitoring, kabuuang 8,110 na ang confirmed cases sa lungsod hanggang alas 12 ng tanghali kahapon, Agosto 31.

Sa nasabing bilang, 874 ang active cases matapos itong madagdagan ng 231.

Nasa 6,911 naman ang mga gumaling na sa sakit matapos itong madagdagan ng 340.

Pito naman ang mga nadagdag sa mga nasawi kung kaya’t umabot na sa 325 ang death toll sa lungsod.

Samantala, nasa 277 naman ang suspect cases sa Maynila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *