COVID-19 pandemic, maaari pang tumagal ng isang dekada —WHO

COVID-19 pandemic, maaari pang tumagal ng isang dekada —WHO

WoodProfit

NAGBABALA ang World Health Organization o WHO na maaari pang tumagal ng sampung taon ang COVID-19 pandemic.

Ito’y sa kabila nang may natutuklasang bakuna ang iba’t ibang bansa sa mundo para dito.

Ayon sa WHO ang pagtaya nila ay bunsod ng patuloy na pagdami ng pagkahawa sa virus at tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling datos, umakyat na sa mahigit 680,000 na ang nasawi sa buong mundo dahil sa virus.

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

Samantala, patuloy sa pagtaas ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa tala ng Department of Health kahapon, 103,185 na ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa matapos na madagdagan ito ng 5,032.

Ito na ang pinakamataas na naitalang bilang ng bagong COVID-19 case sa isang araw.

Nasa 301 naman ang nadagdag sa bilang ng mga recoveries dahilan upang umakyat pa sa 65,557 ang kabuuang bilang nito.

Umakyat naman sa kabuuang 2,059 ang nasawi matapos madagdagan ng 20.

Sa Metro Manila may 2,737 naitalang bagong kaso sa nakalipas na magdamag habang 463 bagong kaso sa Cavite, Cebu na may 449, Laguna na may 326, at Rizal na may 20 bagong kaso.

Maaaring umabot sa mahigit 150K sa huling bahagi ng Agosto

 Posibleng aabot sa mahigit 150,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa huling bahagi ngayong buwan ng Agosto.

Ito ay ayon sa 13th forecast report noong Hulyo 31 ng University of the Philippines (UP) Professor Ranjit Rye.

Nabanggit din ni Rye na halos magiging doble ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa at nakikita nila ang expotential growth nito.

Kung hindi rin magiging epektibo ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) ito ay maaaring madagdagan pa ng 20,000 ng kaso o higit pa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *