COVID-19 cases sa NCR, tumaas; ECQ posibleng palawigin pa

COVID-19 cases sa NCR, tumaas; ECQ posibleng palawigin pa

INIHAYAG ng Philippine Hospital Association na umabot na sa 2,066 kada araw o katumbas ng 62% na mas mataas ang kaso ng COVID-19 sa NCR  partikular sa Metro Manila, kumpara sa bilang ng mga kaso noong Hulyo.

Sinabi ni Dr. Jaime Almora, pangulo ng Philippine Hospital Association na nasa 1,513 kada araw ang kaso sa Calabarzon, Cavite; Laguna; Batangas; Rizal at Quezon, habang 984 sa Central Luzon.

Naitala naman anya ang 914 na kaso kada araw sa Central Visayas; 615 sa Western Visayas, habang 527 naman sa Northern Mindanao.

Samantala mas  mataas aniya ang daily COVID-19 cases sa Laguna kumpara sa Metro Manila dahil lagpas na sa 3,000 ang bilang ng mga aktibong kaso o may sakit pa rin kung saan ay napupuno na ang mga ospital doon.

ECQ sa NCR, posibleng palawigin pa

Posibleng palalawigin pa ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Gayunman, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pag-uusapan pa ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Batay sa pinakahuling tala ng DOH, nakapagtala ng 8,900 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa, 7,937 na bilang ng gumaling at anim na bagong nasawi.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *