COVID-19 cases sa NCR, patuloy na bumababa – MMDA

COVID-19 cases sa NCR, patuloy na bumababa – MMDA

PATULOY na bumababa ang COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ibinahagi ni Abalos na mula 38,000 noong September 16, ngayon nasa 17, 296 na lamang ang naitatala kahapon, October 11.

Maging ang reproduction rate at ang two-week growth rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay bumaba rin ani Abalos.

Sinabi rin ni Abalos na bumaba rin ang occupancy rate ng mga eskwelahan na ginawang isolation facilities.

Aniya na mula 72% noong September 15, ngayon ay nasa 42% na lang occupancy rate ng mga ito.

Maging ang mga hotels at temporary treatment and monitoring facilities ay bumaba na rin ang occupancy rate.

Pagsasailalim sa Metro Manila sa alert level 4 sa loob ng tatlong linggo, epektibo ayon sa OCTA research.

Epektibo ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David ang pagsasailalim ng alert level 4 sa Metro Manila sa loob ng tatlong linggo.

Aniya, hindi na muling nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region matapos ang implementasyon ng alert level system at granular lockdown.

Nakitaan din ng pagbuti ng sitwasyon sa buong bansa dahil bumaba na ang reproduction number o hawaan sa 0.7.

Gayunpaman, sinabi ni David na kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocols laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *