Coronation night ng Miss World Philippines at Bb. Pilipinas, sabay na gaganapin

Coronation night ng Miss World Philippines at Bb. Pilipinas, sabay na gaganapin

MAGAGANAP nang sabay ang coronation night ng Miss World Philippines at Bb. Pilipinas ngayong Hulyo.

Ang Binibining Pilipinas grand coronation night, ay dapat gaganapin noong Abril ngunit ipinagpaliban dahil sa COVID-19, kaya gaganapin ito ngayong  July 11, 2021.

Ito ang inanunsyo ni Miss Grand International 2020 Samantha Bernardo sa kanyang virtual homecoming press conference noong Biyernes, Mayo 21.

Maglalaban-laban ang 34 na kandidata upang maging kinatawan ng bansa sa Miss International, Miss Intercontinental, Miss Globe, at Miss Grand International pageants.

Samantala, inihayag naman ng Miss World Philippines Organization na ang coronation nito ay gaganapin din sa Hulyo 11, 2021.

Apatnapu’t limang kababaihan ang magpapasiklaban upang maiuwi ang korona para sa titulong Miss World Philippines, pati na rin ang iba pang mga titulo tulad ng Miss Supranational, Reina Hispanoamericana, at Miss Eco International.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *