Contribution hike sa PhilHealth at SSS, pipigilan ng Kongreso

Contribution hike sa PhilHealth at SSS, pipigilan ng Kongreso

LUSOT na sa dalawang komite sa Kamara ang panukalang batas na magpapaliban sa contribution hike sa SSS at PhilHealth ngayong taon.

Una, inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization na gawing Working Bill ang House Bill 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco.

Balak ng komite na pagsamahin na lamang ang iba pang kahalintulad na panukala.

Kung hindi maaaprubahan ang panukala, tataas sa 13% mula sa kasalukuyang 12% ang umento sa SSS contribution ngayong 2021.

Pero kung maaaprubahan ang panukala, magkakaroon ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang nakatakdang contribution increase na itinatakda ng batas.

Nais ng pagpapaliban na matulungan ang mga miyembro ng SSS na apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Ikalawa, inaprubahan ng House Committee on Health ang House Bill 8316 para sa cancellation ng PhilHealth contribution hike.

Bibigyan din nito ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang umento.

Dati, walang contribution hike sa PhilHealth subalit pinalagyan ito sa ilalim ng Universal Healthcare Law.

Sa ilalim nito, nakatakdang tumaas ngayong 2021 sa 3.5% mula sa kasalukuyang 3% ang premium rate contribution sa PhilHealth.

Epekto ng pandemya pa rin ang dahilan kung bakit ipina-uurong ang scheduled rate increase.

Una ng sinabi ni Pangulong Duterte na hindi angkop sa mga panahon ngayon na magpataw ng rate increase.

Suportado naman ni PhilHealth Pres. Dante Gierran ang suspensyon sa rate increase.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *