CORONAVIRUSRegional

Contact tracing ng 49 COVID-19 case sa Baguio City, natukoy na

WoodProfit

IPINAGMALAKI ng Baguio City government na natapos agad ang ginawang contact tracing sa bagong naitalang kaso sa lungsod.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nahanap nila at na-isolate na agad ang mga nakasalamuha ng 49 na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng 24 oras.

Sinabi pa ni Magalong na ang mabilisang aksyon ang susi upang hindi sumirit ang kaso ng COVID-19 sa kada lugar.

Samantala, inalis na ang lockdown sa mahigit 10 barangay sa lungsod ng Baguio kung saan ay ginawa ang contact tracing efforts, habang nananatili pa ring naka-lockdown ang 13 dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close