Contact tracing app na StaySafe.ph, inilunsad sa bansa

Contact tracing app na StaySafe.ph, inilunsad sa bansa

INILUNSAD sa bansa ang isang bagong contact tracing app na StaySafe.ph kungsaan agad na malalaman ng isang tao o costumer kung siya ay nahawaan o carrier ng sakit na COVID-19.

Bago pumasok sa isang establisyemento ang isang costumer, kinakailangan muna nitong magrehistro sa StaySafe.ph app, at i-scan ang QR code sa nasabing gusali.

Mula sa nasabing aplikasyon, malalaman agad kung ang kostumer ay probable, suspect o may severe na sintomas ng COVID-19.

At para maiwasan ang hawaan hindi ito papasukin sa lugar o establisyemento at agad malalaman ng mga otoridad na nangangailangan ito ng sapat na panahon para maobserbahan agad.

Mula sa nasabing bagong programa, agad na matutukoy at maihihiwalay mula sa karamihan ang isang taong apektado ng coronavirus disease 2019.

Maliban dito, sa bawat pagbukas sa nasabing app, malalaman din kung sinu sino sa paligid ang may sakit o wala, bagay na makatutulong ito para maiiwas ang sarili sa posibleng hawaan ng COVID-19.

Ayon sa tagapangasiwa nito, agad na pag-aaralan ng pamahalaan ang pag-uutos sa lahat ng establisyemento na maglagay ng mga ito ng COVID-19 QR code para na rin sa kapakanan ng kalusugan ng bawat isa.

Malaking kabawasan na rin ito sa mga kinasanayang pagsusulat sa mga record book ng bawat establisyemento na posibleng pang maging sanhi ng hawaan ng sakit sa mga ginagamit na ball pen at papel ng iba’t ibang tao o costumer.

Pabor dito si Manila City Mayor Isko Moreno, aniya sa dami ng populasyon mayroon ang lungsod, malaking bagay para sa kaniya ang nasabing programa at kung kinakailangan, agad na ipag-uutos nito sa kaniyang nasasakupan na maglagay ng QR code ang lahat ng establisyemento sa lugar.

Samantala, nilinaw ng IATF, na walang dapat na ipangamba ang publiko sa StaySafe.ph, dahil limitado lamang ang aplikasyon sa pagkuha ng mga impormasyon  sa mga taong may sintomas lamang ng COVID-19.

Taliwas ito sa pangamba ng ilan na posibleng magamit ito bilang surveillance system sa lahat.

SMNI NEWS

One thought on “Contact tracing app na StaySafe.ph, inilunsad sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *