Contact tracer application deadline sa NCR, hanggang bukas na lamang

Contact tracer application deadline sa NCR, hanggang bukas na lamang

IPINAALALA ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na bukas araw ng Miyerkules ang dead-line ng aplikasyon para maging contact tracer ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya, sa mga naghahanap ng trabaho at nais tumulong sa kampanya ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 maaring mag-aplay lamang sa tanggapan ng DILG.

Ayon sa opisyal tatanggap sila ng graduates ng ibang kurso bagaman ang preference nila ay mga graduate ng allied medical courses at criminology.

Magugunitang sa ilalim ng inaprubahang Bayanihan 2 ang DILG ay nangangailangan ng 50,000 contact tracers para sa buong bansa kung saan 9,000 ang kakailanganin sa Metro Manila.

Para sa mga taga Metro Manila na nais mag-apply maaring magtungo lamang sa tracing portal ng DILG NCR hanggang bukas.

Samantala, kinumpirma ng Department of Health na naisumite na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendayon na humihiling na mag-isyu ng Executive Order para sa regulasyon sa presyo ng COVID-19 swab test.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na napansin ng DOH na magkaka-iba ang presyong sinisingil sa swab testing at malaki ang diperensya ng halaga ng swab test sa mga laboratoryo kaysa sa mga ospital.

Ipinaliwanag ni Vergeire na hiniling nila ang Executive Order dahil may batas nang umiiral na nakasaad ang price ceiling pero ito ay para lamang sa mga gamot at hindi kasama ang diagnosis, professional fees at swab test para sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ang singil sa swab test ay mula P3,500 hanggang P15,000, depende sa ospital, klinika o laboratoryo.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *