Construction sites ng Hyundai Company sa Gwangju City, temporaryong ipinasara

Construction sites ng Hyundai Company sa Gwangju City, temporaryong ipinasara

TEMPORARYONG ipinasara ang Construction sites ng Hyundai Company sa Gwangju City sa South Korea matapos ang aksidente nito kahapon na nagdulot ng pagkawala ng anim nitong manggagawa.

Nag-utos ng temporary shutdown ang Gwangju metropolitan government sa lahat ng mga construction site ng Hyundai development company sa lungsod matapos bumagsak ang apartment site nito kahapon na nagdulot ng pagkasawi ng 6 na manggagawa.

Ang hakbang ay ipinatupad dahil sa pangamba ng search operation workers na sila naman ang matrap sa loob ng site.

Matatandaan na bumagsak ang exterior wall ng gusali kahapon kung saan humigit kumulang apatnaraang katao na nagtatrabaho rito ang naapektuhan habang nasa isang katao naman ang nasa ospital dahil sa injury.

Ayon kay Park Nam-Eon pinuno ng civil safety office patuloy silang makikipagtulungan sa ministry of land, infrastructure and transpiration at national police agency upang matukoy ang naging sanhi ng aksidente at ituloy ang administratibo at legal na mga aksyon laban sa sinumang responsable sa insidente

SMNI NEWS