Conor
Sports

Conor McGregor, umamin sa kasalanan para hindi makulong

Pinili ni MMA superstar Conor McGregor na maitawid ang pangalan sa pagkukulong sa pag-amin nito sa pagkakasangkot sa isang rambol.

Matatandaang nadawit si Conor McGregor sa isang rambol matapos nitong atakihin ang isang bus na puno ng kapwa UFC fighters sa Barclays Center noong Abril.

Napatawan ang 33-anyos na si McGregor ng multiple counts of assault at criminal mischief sa nangyaring insidente.

Matapos ang pagharap nito at pag-aming guilty ay napatawan na lamang ito ng 5 araw na community service.

Malaki ang pagsisi ni McGregor sa naging insidente.

Nagpaabot na rin ito ng pasasalamat sa kaiyang pamilya at mga kaibigan sa walang sawang suporta.

Ayon naman sa mga naunang report, nabayaran na ng MMA superstar ang naging damage nito sa bus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *