Ambassador of the Sunfull Internet Peace
Regional

Cong. Florida Robes, napiling Ambassador of the Sunfull Internet Peace ng Korea para sa Pilipinas

NAPILI bilang Ambassador of the Sunfull Internet Peace Movement ng bansang Korea si Congresswoman Florida “Rida” Robes ng Lone District ng San Jose del Monte, Bulacan.

Pinangunahan mismo ni His Excellency Han Dong Man, Ambassador of the Republic of Korea to the Philippines ang paggawad ng pagkilala kasama na ang kasunduan ng dalawang panig sa mas pinaigting na kampanya sa responsableng paggamit ng internet at social media.

Kinilala ang adbokasiya ni Congresswoman Robes na kilala bilang “Ate Rida” dahil sa maalab na pagtutok nito sa sitwasyon ng mga kabataan na nahuhulog sa kamay ng hindi kaaya-ayang dulot ng internet o social media.

Kaya naman, bilang mambabatas, sinisiguro ni Representative Florida “Rida” Robes na ang mga panukala na kanyang ihahain sa Kongreso ay napapanahon.

Nagkataon din na si Robes ang isa sa most passionate advocates ng mga panukalang batas na magpapaunlad sa mental health programs sa bansa.

Sa kanyang privilege speech nitong Agosto, binigyang-diin ni Robes ang pangangailangan para bigyan ng konsiderasyon ang educational system sa bansa kasama na ang malusog na pag-iisip ng mga estudyante.

Ipinunto ni Robes sa kanyang privilege speech ang tila pagtaas ng kaso ng depression na tumatama ngayon sa mga kabataan at ito ay mas pinalala pa ng social media platforms.

Aniya, ang social media platforms ay mistulang naging daan para lumala ang kondisyon ng mga kabataan na nakararanas ng depresyon at iba pang mental health issues dahil sa nangyayaring “bullying” gamit ang makabagong teknolohiya na kung tawagin ay “cyberbullying.”

Dahil dito ay hinimok ni Robes ang Commission on Higher Education (CHED) at ang Department of Education (DepEd) na maging maalam sa posibleng mas malalang epekto ng social media.

Sa gitna ng aniya’y chaotic online environment na dapat sagupain ng publiko, nais ni Robes na kinatawan ng Lone District ng San Jose del Monte sa Bulacan na palaganapin ang positive internet culture.

“With everything going digital, we’re all spending more time interacting with others online. This is a welcome development because this means we’re keeping up with the rest of the world,” ayon sa kongresista.

“However, we also have to deal with the negative effects of being online. Cyberbullying and other hostile or criminal acts online can be done in an instant,” dagdag ng kongresista.

Kadalasan sabi ni Robes na tila inaasahan na ng mga tao na makararanas sila ng online attacks kapag sila ay nagbabahagi ng kanilang pananaw sa mga isyu “online.”

“We know we can’t please everyone, but it seems that going online often draws out the most negative or destructive people. This can’t go on. This prevents us from fully enjoying the benefits of going digital,” punto ni Robes.

Sa hangarin na i-detoxify online spaces, si Robes ay itinalaga kamakailan bilang Ambassador of the Sunfull Internet Peace Movement.

Inumpisahan ang naturang adbokasiya ng Sunfull Foundation, isang non-governmental organization na nakabase sa Korea na ang pangunahing layunin ay i-inspire ang publiko na magpost ng “messages of encouragement and condolence to those targeted by malicious online attacks and the victims of tragic world events.”

Ang Sunfull Internet Peace Movement ay inendorso rin ni H.E. Han Dong Man, Ambassador ng Republic of Korea to the Philippines.

“I am honored to be an ambassador for Internet peace. I want to work even harder to come up with actionable strategies that will pave the way for more constructive and nurturing experiences online among Filipinos. We have to put a stop to cyberbullying, hate speech, and human rights violations on the Internet,” ani Robes.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *