Rudy Fariñas
Regional

Congressman Rudy Fariñas, titigil na sa pulitika

UMATRAS na si Ilocos Norte 1st District Representative Rudy Fariñas sa kanyang kandidatura sa pagkagobernador sa Ilocos Norte.

Ngayong araw ng tumungo sa local Comelec si Fariñas para maghain ng withdrawal ng kanyang kandidatura.

Paliwanag ni Fariñas, panahon na para magpahinga siya sa pulitika matapos ang pagsisilbi sa kanyang mga kababayan ng maraming taon.

Dahil dito, wala nang magiging kalaban sa posisyon si Ilocos Norte 2nd District Senior Board Member Matthew Marcos Manotoc, anak ni Governor Imee Marcos.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *