Amado Espino Jr.
National

Congressman Amado Espino Jr., sugatan sa pananambang; 1 bodyguard patay

SUGATAN si dating Pangasinan Governor at Congressman Amado Espino Jr. matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Kubol, San Carlos City dakong 4:30 ng hapon kahapon.

Nilinaw ni San Carlos Police Chief Lt. Col. Garie Noel Pascua na isa lang ang patay sa nasabing insidente, taliwas sa naunang ulat na lima ang nasawi.

Ayon kay Pascua, nasa kritikal na lagay ang apat pang biktima na ngayon ay nasa pagamutan.

Nagtamo ng daplis ng tama ng bala sa bandang tagiliran ng kaniyang katawan at braso si Espino matapos yakapin ng kaniyang mga bodyguards.

Agad naisugod sa pagamutan si Espino ng kaniyang driver na si Aga Cuison na ngayon ay nasa kritikal ang kondisyon.

Matatandaan na idinawit noon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espino sa isyu ng iligal na droga na kalaunan ay binawi din ng presidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *