Concert ni Regine Velasquez para sa mga biktima ng bagyong Odette, mahigit P1-M na ang nalikom

Concert ni Regine Velasquez para sa mga biktima ng bagyong Odette, mahigit P1-M na ang nalikom

UMABOT na sa mahigit P1-M ang nalikom na pondo ng concert for a cause para sa mga biktima ng bagyong Odette ni Asia’s song bird Regine Velasquez.

Magugunitang nagsagawa ng concert for a cause si Regine Velasquez noong January 09 upang makatulong sa recovery program para sa mga nasalanta ni bagyong Odette.

Ayon kay Regine, dapat hindi lang sa holidays mangyayari ang pagbibigayan lalo pa’t patuloy na lumalaban ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Aniya, mas magandang sa buong taon ito isasagawa ng bawat isa.

Hanggang January 18 naman magtatagal ang online concert ng Asia’s songbird.

Kasama dito ni Regine ang asawa nitong si Ogie Alcasid at ilang celebrities tulad nina Kyle Echarri.

Tampok din sina Jed Madela, Yeng Constantino, Darren Espanto, Erik Santos, KD Estrada at Alexa Ilacad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *