The Chainsmokers
Showbiz

Concert ng The Chainsmokers sa August 15, kinansela

DISMAYADO ang mga Pinoy fans ng pop duo ng The Chainsmokers.

Ito ay matapos inanunsyo ng concert promoter na MMI Line ang cancellation ng inaabangang concert ng pop duo sa bansa ngayong taon.

Ayon sa MMI Live, hindi inaasahang “production circumstances” ang dahil kung bakit hindi na matutuloy ang pagtatanghal ng grupo sa Mall of Asia Arena sa August 15.

Kabilang din sa kinansela ang nakatakda ring concert ng grupo sa Singapore sa August 21.

Kasunod nito ay tiniyak ng organisasyon na agad na makukuha ng concert ticket holder ang kanilang refunds ngayong linggo.

Noong nakaraang buwan lang nang ianunsyo ng pop duo ang kanilang Manila come back para sa kanilang “World War Joy” tour.

Ito na sana ang ikatlong beses na pagtatanghal ng “Closer” hit makers sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *