Community pantry organizers, dapat makipag-ugnayan sa baranggay— Mayor Sara Duterte

Community pantry organizers, dapat makipag-ugnayan sa baranggay— Mayor Sara Duterte

NANAWAGAN si Mayor Sara Duterte sa community pantry organizers sa mga barangay na makipag-ugnayan sa mga pinuno ng barangay upang matiyak ang pagkontrol ng dami ng tao.

Binigyang diin ng alkalde ang pagsunod sa minimum health measures  sa community pantries, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19..

“We must remember that the first love of coronavirus is mass gathering. This kind of activity exemplifies the spirit of Bayanihan but could also be the potential transmission of COVID-19,” Sara said.

“Last year, we have advised those who want to distribute food assistance and other assistance in the communities that they have to coordinate with the barangay and especially the Davao City Police Office (DCPO),”dagdag niya.

Nanawagan ang alkalde sa community pantry organizers na mahigpit na sundin ang minimum public health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng face masks at face shields.

“If your community pantry cannot control and cannot implement public health standards such as distancing of the people, it will defeat the purpose of helping people because most likely this will also be the potential source of transmission,” ani Mayor Sara.

Gayunman, nilinaw ni Mayor Sara na walang plano ang lungsod mag-establish ng guidelines para sa mga community pantry ngunit dapat ay manatili sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na barangay at mga awtoridad na may mga programang tulong sa publiko.

Samantala matatandaan nitong April 26, inihayag ng alkalde na mas mabuti rin umano ang door-to-door sa pagmamahagi ng ayuda.

“ Kung kayanon na sa resources sa magpadayon og community pantry, mas maayo ning Door – to – Door ang ilang buhaton. Because ang kinahanglan lang nato iremind sa ilaha is to make sure they follow the minimum public health safety standards sa pag-deliver nila sa ilahang donation.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *