Committee chairmanships
National

Committee chairmanships sa 18th Congress, reresolbahin pagkatapos ng SONA

RERESOLBAHIN ng mga senador ang Committee Chairmanships sa Senado pagkatapos ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Sa kanyang live TV guesting sa programang “Give Us This Day” ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na sa July 23 o isang araw pagkatapos ng SONA nila resolbahin pamamahagi sa Committee Chairmanships.

Nanindigan naman si Sotto na ang majority ang magdedesisyon sa kung sino ang hahawak sa isang komite sa Mataas na Kapulungan.

Aniya, idadaan ito sa botohan at compromised deal sa pagitan ng mga senador para maayos na maipamahagi ang paghawak sa bawat komite.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *