Metro

COMELEC naglabas ng TRO laban sa election protest sa Quezon


Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Commission on Elections (COMELEC) para pigilan ang paglalabas ng desisyon sa election protest na inihain ni dating Lucban, Quezon Mayor Moises Villaseñor laban sa kasalukuyang alkaldeng si Mayor Celso Olivier Dator.
Inatasan ng COMELEC First Division si Regional Trial Court (RTC) Judge Adolfo Encomienda na huwag ituloy ang promulgation at itigil ang anumang proceedings na may kaugnayan sa election protest.
Magugunitang kinukuwestiyon ni Villaseñor ang pagkakaproklama kay Dator bilang alkalde noong nakaraang May elections.
Nakasaad sa inihaing petisyon ni Villaseñor na pinayagan umano ng Board of Election Inspectors (BEI) na makaboto ang flying voters, na mahigpit namang tinutulan ng kampo ni Dator.
Ang TRO na nilagdaan ni presiding Commissioner Christian Robert Lim ay ‘effective immediately’ at magtatagal sa loob ng animnapung araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *