National

COMELEC, dapat magpaliwanag sa pagbili ng P2.2-B Smartmatic poll machines—Kamara

PINAGPAPALIWANAG ng mababang kapulungan ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa pagbili ng P2.2 billion halaga ng vote-counting machines sa Smartmatic na ginamit noong 2016 Elections.

Ikinagulat umano ng Kamara ang pagbili ng COMELEC sa counting machines noong
Disyembre 2017.

Ayon kay House Committee on Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna, nalaman nila ang tungkol dito ng sabihin ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim noong Pebrero 1 sa pagdinig ng oversight committee ng dalawang kapulungan kaugnay sa automated elections.

Sinabi ni Tugna na walang natanggap ang komite sa desisyon na ito ng COMELEC na bilhin ang naturang mga makina.

Samantala, muling itinakda ng komite ang pagdinig sa isyung ito sa Pebrero 22.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *