Colmenares, isa umanong high-ranking official ng CPP-NPA-NDF— Ka Arkins

Colmenares, isa umanong high-ranking official ng CPP-NPA-NDF— Ka Arkins

IBINUNYAG ng isang dating New People’s Army (NPA) na ang representante ng Bayan Muna party-list na si Neri-Colmenares ay isang opisyal na may mataas na posisyon sa CPP-NPA-NDF.

Ito ay mula sa panayam ng SMNI News sa programang Laban Kasama ang Bayan na pinapangunahan ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson, Undersecretary Lorraine Badoy.

Isiniwalat ng dating provincial coordinator sa Zamboanga del Norte ng Makabayan Bloc na si Ka Arkins Evangelista na si Bayan Muna Rep. Colmenares ay isang high-ranking official ng CPP-NPA-NDF.

Dahil dito, sinabi ng dating kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celis na maaaring gamiting material ng Rappler at ABS-CBN ang kanilang panayam kay Ka Arkins.

Ito ang naging resbak ng programang Laban Kasama ang Bayan sa akusasyon ni Jauhn Villaruel ng ABS-CBN na nire-red tag di umano ng SMNI ang Makabayan Bloc Representatives.

Matatandaan na una nang itinanggi ni Colmenares na hindi siya miyembro ng CPP-NPA-NDF nang tanungin ito sa nakaraang filing ng COC at CONA para sa 2022 elections.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *