Coleen Garcia
Showbiz

Coleen Garcia, sinagot ang isang basher

KALMADONG sinagot ng aktres na si Coleen Garcia ang isang basher.

Matapos siyang laitin nito sa kabila ng kanyang pinagdaanang hirap para makarating lamang sa isang event ng kanyang network kamakailan.

Ikinuwento ni Coleen via Instagram ang nangyari sa kanya na food poisoning noong bumiyahe ito.

Bumiyahe ang aktres mula sa France patungong Pilipinas.

Nag-collapse aniya ito sa comfort room ng isang airport sa Thailand.

Naging sanhi ito upang ma-miss ng aktres ang kanyang flight pabalik ng Pilipinas.

Sa comment section ay sinabi ng isang basher na hindi naman kawalan kung hindi makarating si Coleen sa ball.

Sana aniya ay nagpahinga na lamang ito dahil wala ding makakapansin sa kanyang pagkawala.

Sinagot naman ito ni Coleen at sinabing talagang gusto niyang umattend ng ball.

Dahil hindi hahayaan ng aktres na mawala ang kanyang joy sa mga stress lamang.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *