Coldplay at BTS, nagsanib-pwersa; bagong kanta, ilalabas na

Coldplay at BTS, nagsanib-pwersa; bagong kanta, ilalabas na

ILALABAS na ng British Rock Group na Coldplay ang kanilang bagong track na tampok ang sikat na South Korean Boy group na BTS.

Ibinahagi ng Coldplay sa kanilang social media account ang cover art ng kanilang single na may links sa page kung saan maaaring makapag pre-order at pre-save ng kanta ang mga fans.

May pa-teaser din ang Coldplay ng kanilang recording video ng kanta kasama ang BTS.

Available na simula kahapon, September 13 ang pagbili ng limited edition ng kanilang 2-track CD single.

Habang ilalabas naman ang bagong single na ‘My Universe’ ng Coldplay na kauna-unahang collaboration nito sa BTS ngayong September 24.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *