PCSO GM
National

Col. Royina Garma, itinalaga ng pangulo bilang bagong PCSO GM

PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong mamumuno ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO GM kapalit ni Alexander Balutan na nag-resign nitong Marso taong kasalukuyan.

Inihayag ng pangulo ang pagkakatalaga kay Col. Royina Garma bilang bagong GM ng PCSO.

Si Garma ay director ng Cebu City Police Office na una ng napaulat na nag anunsiyo ng kanyang early retirement nitong nakaraang Sabado, June 22.

Una na ring lumutang ang pangalan ni Garma bilang susunod na pinuno ng PCSO matapos mag-post sa kanyang FB account ang isang konsehal sa Cebu City.

Si Garma ay dati nang nagsilbi bilang station commander sa Davao City at itinalaga bilang kauna-unahang babaeng director ng Cebu City Police noong July 2018.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *