Coconut farmers sa Camarines Norte, hinihikayat magparehistro sa PCA

Coconut farmers sa Camarines Norte, hinihikayat magparehistro sa PCA

HINIHIKAYAT ang mga coconut farmers sa Camarines Norte na magparehistro para makakuha ng benepisyo sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte o ang Republic Act No. 11524.

Ang programang ito ay para sa karapatan at benipisyo ng mga magsasaka na magpapaunlad sa industriya ng niyog sa bansa.

Sa datos ng Philippine Coconut Authority (PCA) Camarines Norte, nasa 14,644 na magsasaka ng niyog sa lalawigan ang target na makapagparehistro kung saan nasa kabuuang 7,000 na ang unang naitala ng tanggapan.

Kailangan lamang na pumunta sa mga barangay ang mga nais magpatala at magdala ng mga dokumento gaya ng proof of ownership o titulo ng lupa, tax declaration, Certificate of Land Ownership Award (CLOA) at anumang valid ID at 2×2 na larawan.

Kaugnay nito ay ang paghiling ng sangguniang panlalawigan sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamahala ni Bicol Regional Director Zenaida Angara Campita ng 30 na empleyado para sa 2 distrito ng lalawigan na makakatulong sa PCA upang mapadali ang pagpaparehistro sa mga barangay ng lahat ng magsasaka ng niyog sa lalawigan.

Ipinapaalala rin sa mga magsasaka ng niyog na maging masipag at dumalo sa mga pagtawag ng barangay para sa mga programa at proyekto sa produksyon ng niyog lalong lalo na ang pagpaparehistro sa PCA.

(BASAHIN: Illegal mining operations sa Camarines Norte, inirekomendang ipasasara)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *