Coconut farmers
Business National

Coconut farmers, hinimok na mag-produce ng natural vinegar

HINIMOK ng Philippine Coconut Authority ang mga coconut farmers na mag-produce ng natural vinegar.

Ayon kay Erlene C. Manohar, Deputy Administrator Research and Development Branch, PCA, bubuhayin at palalakasin ang coconut industry at kanilang susuportahan at tuturuan ang mga coconut farmers sa bansa na mapataas ang produksyon ng suka.

Pahayag ni Agricultural Credit Policy Council, Emmalyn J. Guinto, Chief Public Affairs and Communication Divission kahit sinong coconut farmers ay makakahiram ng perang puhunan mula P50,000 hanggang P150,000.

Pinakamalaking programa sa ngayon ng PCA ang replanting program para sa mga naturang farmers upang mapalitan ang lumang puno ng mga bagong hybrid.

Ang launching ng DA-PCA National Program on Coconut Vinegar na dinaluhan ng mga coconut farmers sa ibat ibang probinsya.

Para kay Ruben Teh mula sa Baler, Aurora, na mayroong 2 ektarya ng coconut, sa 45 days kumikita siya ng P5, 000 sa pagbebenta ng buko at kung gagawin niya pa ang natutunan ngayon sa paggawa ng suka ay madaragdagan pa ang kanyang kita.

Payo ni Manohar na unti-unti na pagtutulungan ng mga nasabing farmers upang itaas ang kalidad ng mga coconut vinegar na pwedeng ilaban sa international na merkado.

TJ BUMANLAG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *