Coach Tab Baldwin, nangangamba sa gaganaping FIBA Asia Cup Qualifiers

Coach Tab Baldwin, nangangamba sa gaganaping FIBA Asia Cup Qualifiers

NANGANGAMBA si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Director Tab Baldwin sa darating na FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Nobyembre.

Ani Baldwin, hindi niya alam paano magiging solido ang Gilas Pilipinas.

Dagdag pa nito, hindi sapat ang mga players sa Gilas Cadets para sa qualifying round laban sa South Korea at Thailand.

Sa kabila nito, may naisip na si Baldwin kung paano ito mapupunan at may game plan na rin ito pero nakadepende parin sa mga susunod na mangyayari o sitwasyon.

Matatandaan na ang bawat galaw ay kailangan ng approval mula sa mga awtoidad upang masigurong nasusunod ang health protocols laban COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *